"Walang Pumapalakpak" lyrics

"Walang Pumapalakpak"
(feat. Gary Valenciano)

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Madaming ulit kang madadapa
Bumangon ka agad
Mga mata mo na luhang-luha
Sa lungkot ay nasagad
Ilang beses man na mawala
Huwag kang mapagod maghanap
Walang tigil kang tumataya
Baka sakaling maganap
Ang iyong pinakahihintay
Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw
At ang tanging alam mo lamang ay
Walang pipigil sayong lakad at galaw
Basta't

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Hindi nila kailan man mararamdaman
Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan
Hindi sila kailan man mahahapdian
Bawat hiwa sa paa
Tibo na tinungtungan
Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang pwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo

Naaalala ko pa dati kulang ang pamasahe
Wala ka pang hapunan busog lang sa diskarte
Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe
Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase
Kahit 'di nananalo 'di ko batid na talo
Inipon ang lahat ng binigay saking balato
Kung saan-saan dumapo buti na lang gala 'to
Wala ka daw mararating pag 'di mo tsinaga 'to
Kay daling sabihin hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin
Kilalanin ang sarili mo kahit na sa dilim
Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin
Itutulak ka nila madalas pababa
Papahiran ng lahat ng pwedeng dungis sa mukha
Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura
Pag kumita ka sila pa ang unang naka kura
Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko
Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho
Huwag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho
Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso
Uso daw kasi kaya di ka napili
Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi
Pag 'di mo nagawa iwanan mo ang manisi
Ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi

Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang pwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo
Basta't

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak


You May Also Like
Lo ki - "Owshi" Halika Sabay tayong magpatila Hintayin ang paghina ng ulan Nang makita nang malinaw ang liwanag ng buwan Oh sige na halika Sabay tayong magpatila Hintayin ang paghina ng ulan Nang makita nang...
Shanti Dope - "Normalan" Dapat mong malaman Walang personalan Ang mga kaganapan Pwede bang normalan lang Lahat ng ito sana ay magkatotoo Pero sa ngayon Dapat mong malaman Walang personalan Ang mga kaganapan Pwede bang...
Jr Crown - "Trust Issues" Eto na naman tayo ano na naman ba Wala nabang bago yan kana naman sa Paulit ulit na pag hihinala Wala akong ibang nakakasama Dahil sayo lamang talaga Di na kailangan ng iba Maniwala ka mahal at...
Francis M. - "Cold Summer Nights" I keep on blaming my self I should have eaten my pride How can I convince you It's just a matter of time Many times I've hurt you With your foolish ways, oh girl Now I know I have to pay the price...
Moonstar88 - "Sulat" Sa kanyang mga mata 'Di mo makita na mahal ka n'ya Dahil sa pagkakamaling nagawa no'ng kayo'y magka-eskwela pa Sabi nya, ikaw lang ang mahal Seryoso s'ya sa lahat ng pangako, sinta Ikaw lang...