"Kung Tama Siya" lyrics
"Kung Tama Siya"
(feat. Jaq Dionisio of KISSjane)
[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
[Gloc-9:]
Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
‘Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy
Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy
Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag
Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto
Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…
Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…
[Gloc-9:]
Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi
At sa idad na katorse mga braso’y natali
‘Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata
Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi
Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati
Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan
Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan
Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila
Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[Chorus: Jaq Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
[Gloc-9:]
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang…
Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang…
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
album:
"MKNM: Mga Kwento Ng Makata" (2012)
You May Also Like
Ron Henley - "Ulila" Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada...
Siakol - "Mas Masaya Sa Pilipinas" Tila lumalakas ang hangin
Mukhang mayroong bagyong paparating
Nakahanda ka na ba sakaling
Tumama sa atin
Nagliliparang basura at yero
Magbabaha na naman lagpas tao
Magbabagsakan bahay at mga poste...
Dong Abay - "Dyad" Sa puso at damdamin hindi ka maglalaho
Lagi kang iisipin kahit nasa malayo
Wag sanang kalimutan kapag ako'y wala na
Na nagkasama minsan sa hirap at ginhawa
Ako ay nangangarap na lagi kang makita...
Callalily - "Litrato" Simula ng mawala ka
Lahat ay nagbago
Simula ng mawala ka
Simula ng mawala ka
Lagi kitang iniisip
Sa'n man ako mapunta
Tumatagal ang panahon
Sinusubukan kong bumangon
Iba pa rin pag nandito ka...
Hale - "Alon" Ayoko nang mapagod
Mga lumipas na ala-ala
Hampas ng alon sa ilalim ng mga tala
Dinadalang pasakit
Mga luhang 'di maubos
Dumadaloy bumabalik
Walang humpay
Na umaagos
Nangangamba
Nagtatanong
Hindi...