"Bakit Hindi" lyrics

"Bakit Hindi"
(feat. Billy Crawford)

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

[Gloc 9:]

Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa'yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy
Bawat patak ng dugo'y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy

Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan at sakitin pa
Ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon, dito ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

[Gloc 9:]

(Bakit? Bakit? Bakit?)
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat)
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw

Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan
Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre (sa libre)
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin)

Pagbutihan mo ng maigi ( pagbutihan pa)
Kamustahin kung may imposible.. (oh-oh-oh)
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili )

Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
(Yan ang sabihin sa sarili)


You May Also Like
Sponge Cola - "Promises" Across the ocean view I find the truth That'll say today This castaway Has finally come home Waves share no secrets Tomorrow's still unknown So I leave behind All thoughts unkind And turn to face...
Smugglaz - "Walking Distance" Walking distance lang Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki Kaya nagbilang pa'ko ng ilang umaga at gabi Bago ako umabot sa'king tinatapakan Aking pinagdaanan ay hindi naging madali...
Ron Henley - "Venus" Nasa isang gilid tahimik lang Palihim lang kitang tinitignan Di mo lang alam kung gaano kaganda ang Tanawin mula sa aking kinatatayuan Ngiti na 'sing tamis ng pulot Mga tingin mo na nagdudulot Ng...
Dong Abay - "Dyad" Sa puso at damdamin hindi ka maglalaho Lagi kang iisipin kahit nasa malayo Wag sanang kalimutan kapag ako'y wala na Na nagkasama minsan sa hirap at ginhawa Ako ay nangangarap na lagi kang makita...
Sam Concepcion - "Ikot-Ikot" Heto na naman tayo Parang kailan lang ang huli Gaano man kalayo Tayo'y pinagtatagpong muli Ilang ulit nagkasakitan ngunit paulit na gumagaling Ilang ulit balak na iwan ngunit patuloy na bumabalik...