"Malalang Nilalang" lyrics

"Malalang Nilalang"

Ano na namang balita yan?
Parang napulot lang sa kung saan saan
Doble karang salita
Na kusang lumalabas
Sa nagbabagang bunganga

Masalimuot mapanghusga
Ang pagiisip na meron siya
Halos di na makahinga
Sa paninira ng iba

Ang hindi niya alam nakamamatay
Ang maling akala?
At di niya na alam may matalik
Na kaibigan ang karma

Malalang nilalang
Wala na bang ibang alam
Kundi magkwento ng mga kwento
Sa kung kani-kanino
Malalang nilalang
Di ka ba naiilang
At ang mga taong mayg anyang pagkatao
Nakakatakot pagkatiwalaan

Ano na namang balita yan?
Nakaantabay ang buong bayan
Habang hinihintay sumablay
Ang taong wala ka namang kinalaman

Ganito pa rin ba hanggang ngayon
Hilahan parang alimango
Ba't di niyo na lang ayusin ang iyong sarili
At di niyo ba alam nakakamamatay
Ang maling akala?
At di niyo ba alam kung paano
Maghiganti ang karma?

Malalang nilalang
Wala na bang ibang alam
Kundi magimbento ng mga kwento
Sa kung kani-kanino
Malalang nilalang
Di ka ba naiilang
At ang mga taong may ganyang pagkatao
Nakakatakot pagkatiwalaan

Sino ba ang malalala
Ang nagkalat
O ang mga naniniwala
Sa tulad niya na
Ano nga bang mas masaklap
Ang nagtalak
O ang mga nagtitiwala
Sa tulad niya na

Malalang nilalang
At wala silang pakialam
Sa kung anong masira niyan

Malalang nilalang
Wala na bang ibang alam
Kundi magimbento ng mga kwento
Sa kung kani-kanino
Malalang nilalang
Hindi ka ba naiilang
At ang mga taong may ganyang pagkatao
Nakakatakot pagkatiwalaan


Writer(s): Eunice Evangel C Jorge, Soupstar Music Inc
You May Also Like
Loonie - "Palaisipan" Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula Baby pakiusap Kung magpapakilala sana Pwede bang idaan mo lahat sa hawak? Naligaw lang sa dinami-dami Ng mga Pasikot-sikot sa'yong katawan Sana lang ay...
Sponge Cola - "LNP" Kasalanan ko'ng lahat 'pinaubaya ko sa langit Ang kapalaran natin at ikaw ay lumayo Bigyan ko raw ng panahon gagaan ang binubuhat Araw ay muling sisikat at lilipas din ito 'Di maibabalik ang...
Never The Strangers - "Sumayaw" Nakalimutan ko uli ang 'yong pangalan Pasensya na hilong hilo ako Ilang minuto na tayo nagtitinginan Sa atin umiinog ang mundo Alam kong di ako marunong sumayaw Alam kong di ako marunong gumalaw...
December Avenue - "Forever" Breathe out, breathe in Tell me where do I start again Fall out, fall in Tell me where does your love begin Reach out, reach in When you feel like your home again Hold on darling Does it matter...
Moonstar88 - "Senti" Niyaya mo akong Mamasyal, sa zoo Ang sabi mo kasi, Kailangan mo ng kasama, Sumama naman ako, kasi, crush kita Noon pa Kunsabagay, gusto ko na ring magka, Alam mo na Pagkatapos, Kumain tayo sa...