"Senyor" lyrics
"Senyor"
(feat. Apoc the Death Architect)
Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit
Papunta ka pa lang pangwalo ko nang balik
Napakapait kahit magpakabait (uh)
Kadalasan kung itrato napakasakit (uh)
Pilit ginagaya't pinaplano madaig
Parang tatay ng mga ingratong magkakapatid
Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis
Di rin basta nagpapadala sa dilang matamis
Pambihira ang bangis, tindigan at ng charisma partida di pa yan napapahiran ng langis
Beterano ang galawan, malinis kung kumitil
Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil (uh)
Kung sasagot ka sakin sa dulo dapat may ser
Di tayo magkapareho matuto kang lumebel!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Ako naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Sa ganitong kultura di alam ang kalakip
Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid
Di to paingayan ng mga kanta sa net
O paramihan ng karangalang makakamit
O pabilisan sa karera, sa eksena sa halip
Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik
Di mo nabatid?
Dami mong kalaban
Hindi ka babayaran kung walang palakpakan
Yung mga kritiko na maraming nalalaman
At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan
Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran
Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang
'Pagkat madali magrap at sumampa sa tanghalan
Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Mga ginoo at ginang
Nais ko pong magbigay-pugay
Sa mga senyor at mga senyora
Na nauna sa'kin
Simulan natin kay Francis Magalona
Andrew E, Michael V, Gloc 9 at Apoka
Urban Flow, Arbiewon, Mastaplann, BB Clan
Legit Misfitz, Ghetto Doggs (version one)
Denmark, Kulay, MC Lara, Lady Di
Bass Rhyme Posse, 4Eastflava, DFT
SVC, Madd Poets, Dcoy, Pamilya D
M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy
Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock
Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb
Chinese Mafia, Down Earf, Nastymack
Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track
Pasensya di kumpleto di ko nabanggit lahat
Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap
Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak
Hayaan nyong alayan ko kayo ng mga bulaklak
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
- AZLyrics
- L
- Loonie Lyrics
You May Also Like
Jr Crown & Thome - "Tinotoyo" Alam mo kasi na mahal kita
Kahit na ganyan ka kahit na sobra na
Paminsan minsan nakakairita
Nakakasawa na lakas na tama kapag tinopak ng toyo
Biglang mang aaway ka ng walang dahilan tapos sayo...
Ghetto Gecko - "Yeah U!" Kukunin ang ginto na nakabaon para sakin yon para sakin yon wag mong sasabihin na hindi wawasakin yon pagkakataon para sa milyon lahat ng itoy walang talab yeah
Kukunin ang ginto na nakabaon para...
Shanti Dope & Daarth - "Tabi" Di mo na kailangan mabahala
Sa ngiti mo pa mithiin ay ikaw lang
At sa libo na babae ikaw lang ang aking hahanapin baby
Kaya dito ka na lang sa'king tabi-bigay ko ang lahat ng kailangan
Tuwing ako'y...
Psychedelic Boyz - "Ultimatum" Dalawang libo at labing walo
Malamang dito na maging abo
Yung mga napakagaling manguna
Kasi nauna
Ang totoo
Imahinahina-hangad kami ang kamukha
Merong mala pusa merong mala tigre
Minsan makisali
At...
Jnske - "In Luv W U" Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa'yo all night, baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright cause I'm...