"Kapayapaan" lyrics

"Kapayapaan"
(feat. Donnalyn & KV)

Sa tuwing lagay ay alanganin, ang dalangin sa Ama:
Katatagan para tanggapin ang mga bagay na di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa

Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

Nanghahatak pababa ang alimango sa timba
Kapwa kababayan itatrato kang iba (iba)
Imbis na itaas ka ibabash ka pa nila
Tapos biglang magiging fans pag international ka na (wow!)
Wag mo na lang pansinin para di ka naaannoy
Naiinis, nababaliw, napaparanoid
Kapag pinatulan mo ang stupidong lasing na nagmamaoy
Parang sinabuyan mo ng tubig ang mantikang nagaapoy
Handa na boy?
Maraming sasalubong sa daluyong
Mga dudong na akala mo marurunong
Panay gusto lang ay tensyon para maugong
Mga patay-gutom sa atensyon dapat pinapatay sa gutom

Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

Sa panahon ng internet, uso ang pamumuna
Di pwedeng laging init ng ulo ang nauuna
Bago ka magsisi sa dulo dapat matuto kang
Maging payapa ang isip, ang puso, at kaluluwa
Maraming magpapapansin para lang makatabi
Dapat wala kang pake, magpakalalaki ka pre
Hayaan mo sila wag ka na lang gumanti
Kalaban nya sarili nya 'wag mong bigyang kakampi
At hindi ka lang sisiraan, sisirain talaga
Hihilahin pababa, titirahin sa kanta
Di na dapat ginawa, pinangalandakan pa
Ita-tag pangalan mo para itatag pangalan niya
Kaya pag nagagalit, ang dalangin sa Ama:
Katatagan para tanggapin ang mga bagay na di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa

Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman
Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba-ba-ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa
Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba-ba-ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa


You May Also Like
Al James - "Pahinga" Pahinga ka muna, pahinga ka muna At dadalhin kita, sa may alapaap Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso Alak o usok akong bahala sayo Pagod ka na ba at sawa ka nang masaktan? Sagad na sagad,...
Smugglaz & Bassilyo - "NAIS KO" Gan'to ang buhay sa pang araw-araw dito sa amin Ang swerte mo na kung may kape't tinapay sa la mesa na nakahain Pag-malamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing Pasalamat ka pa rin kasi...
Midnasty - "Bisag Asa" Okay ra bisag asa Basta kuyog tang duha Bya'an nato'ng kalibutan Okay ra Kung naa ka Bahala na Kung naa ka Bahala na Bisag asa pa ta nga duha Ilabay's hangin Wala na'y laing Maka pugong ani nga...
Geo Ong - "Walang Bago" Minsan ba, 'di mo na alam ang gagawin mo Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo Pero bakit madalas ka paring salatin oh Kahit alam mo naman na ikaw ay...
Shanti Dope - "Materyal" Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na di...