"Sinungaling" lyrics
"Sinungaling"
(feat. Ron Henley & Tuff)
[Loonie:]
Sinungaling ka, sinungaling ako
Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo
Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno
Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
Baradong inidoro sinong galing sa banyo
Mahirap malaman kung sino saatin ang tapat
Sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi
Sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan anak ng tinapa
Sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa
Kasama nya yung sinungaling mong tunay na kaibigan
Na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pano mong malalaman ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ka rin
[Ron Henley:]
Meron akong kwento isa daw syang henyo
Kaya pala kase mahilig sya mag imbento
Bawat may makilala may panget na komento
Pero pag kaharap parang galing sa kumbento
Makamandag kase dila ay hawig sa ahas
Dahilan para kagatin ni eba ang mansanas
Ngunit ako'y matalas, wala na syang takas
Alam na namin na di sya lumalaban ng patas
Mag ingat ka na rin, may balak syang maitim
Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
Ibat-iba ang hugis at kulay
Sa pag sisinungaling sya nabubuhay
Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
[Loonie:]
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ka rin
[Tuff:]
Di ko alam kung sino ang mga bulaan
Pero susubukan kong hulaan
Mga nakangiti sa pagkislap ng ilaw na parang isang larawan
At biglang dinaig ng mga bulungan ang tawanan
Na parang paligsahan batuhang kaliwa at kanan
Kasing kinang ng perlas ng kasinungalingan
Pero bakit ba malabo ang katotohanan?
Ngayon subukan mong bilangin kung ilan ang tunay mong kaibigan
Isa, dalawa o sampu, ilan?
Ilan ang pwede mong silungan sa gitna ng ulan?
Ilang ang tunay na bakas na maaring mong sundan?
At ilan na ba ang patalim mo sa likuran?
Anong nakita mo paglingon sa'yong pinanggalingan?
Di na rin ako naniniwala sa kasabihan
Kaya wag ka magtaka at itanim sa isip minsan
Mas sinungaling ang kakampi mo kaysa sayong kalaban
[Loonie:]
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ka rin
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sino, sino, sinungaling ka rin
Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
'Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayron dalawang nakabahag na nakaharang
Yung isang daan papunta sa kabihasnan
Yung isa naman papuntang kapahamakan
Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang-magkamukha parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapag-pahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan
P'ano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan
- AZLyrics
- L
- Loonie Lyrics
album:
"The Ones Who Never Made It" (2010)
You May Also Like
Bawal Clan - "Jäger" Ibuga mo pataas
Isarado mo bintana
Kasi baka mangamoy sa labas
Itong malakas
Tsaka baka marinig itong ating niluluto (Huh)
Gumagapang prang kuto (Uhh)
Yung mga tinamaan
Nasan na kayo ngayon
Di mo na...
CLR - "Panipi" Di nyo kayang hadlangan si wanakoy alam nyo yan
Walang kaugnayan kahit kanino man
Musika ang aking tanging paraan upang mahatid ang
Mga tamang mensahe sa kahit sinuman
Dinistrongka ng mabuti...
8 Ballin' - "Who TF?" (NJ on the track, yeah)
Sino yan? Yah
Sino yan? Yah
Walang mas mataas samin
Salungat ay mamalasin
Sino yan? Yah
Sino yan? Yah
Walang mas mataas samin
Salungat ay mamalasin
Sino yan? Yah
Sino yan?...
Smugglaz & Bassilyo - "NAIS KO" Gan'to ang buhay sa pang araw-araw dito sa amin
Ang swerte mo na kung may kape't tinapay sa la mesa na nakahain
Pag-malamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing
Pasalamat ka pa rin kasi...
Ghetto Gecko - "Go Bwoi" Simula palang lahat ng to hindi pa finale
Di pa kampante ang utak pag la pang perang madami
Ibang iba tinahak kumpara mo saking kaklase
Hindi mo na ko madale hindi na ko gaya dati
Balang araw...