"XXX" lyrics

Loonie & Hi-C Lyrics

"XXX"

[Loonie:]
Naaalala ko pa dati, high school, pare
Meron akong kaklase, hayop na babae
Ako'y suplado na smooth, nice move, swabe
Di ko kinakausap, di ko type kunwari
Itatago ko na lang sa pangalang Janelle
Usong uso pa noon yung pasahan ng papel
Pero lahat ng gusot, nahahanapan ng lusot
Kahit maraming nang-aasar: "Crush ka nung kulot!"
(Loonie & Hi-C: Sino? yung payatot na brush-up yung buhok?)
Kinse anyos pa lang ako, batang mapusok
Malakas ang loob kahit labas ay marupok
Kaya direkta kong sinabe at wala ng pautot
Tinapat ko sya, sabi ko: Ikaw ang crush ko
Tinanong ko sya ng past nya, sinagot niya ko nang Pasko
Uminit ang Disyembre, biglang ginaw ng Mayo
Recess na ba?
(Loonie & Hi-C: Hindi pa pero break na tayo)

[Hi-C:]
Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka
Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

[Loonie:]
Storya ng dati kong nobyang si Rossann
Ako yung bestfriend nya slash utusan
Magkaubusan man, walang iwanan
Kahit magkaipitan, kami nagtutulungan
Mano sa tatay, hatid-sundo sa bahay
Kabiruan ang kapatid, kasundo ang nanay
Kami ay natigilan at nagkakatitigan
Dalawang magkaibigan na nagkaibigan
Apat na taon, away bati, hila at tulak
Hanggang sa isang araw bigla kaming nag-usap:
(Loonie & Hi-C: I need space)
Noo nya'y nakakunot
"Space? Bakit di ka na lang mag-astronaut"
Tapos binanatan niya ko ng classic na palusot
(Loonie & Hi-C: It's not you, it's me)
Sino? Yung umutot?
Dinadaan ko sa biro kahit puso ko'y natibo
Halos isang taon ko rin itong hindi pinahipo

[Hi-C:]
Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka
Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

[Loonie:]
Hanggang sa nakilala ko si Leslie Anne
Sa MySpace, ako'y kanyang tinestihan
Nice face! Ako'y naseksihan
May katabing chick sa pic, kala ko lesbian
Nagkita kami, Inglisan pa nung una
Pinakita nya sakin yung mga tattoo nya
Nag-usap kame, umaga, tanghali hanggang gabi
Magkatabi naghati kami sa mamahaling kape
At tatlong kaha ng Marlboro na pula
Kaya tuloy aming lamesa'y puro abo na
Walang araw na hindi ko siya kasama
Katabi ko siya sa kama kahit di ko siya asawa
Siya yung tipong, parang barkada
Sanay tumambay sa kalsada
Masaya na sana, kaso wala na
Wala nang load, last piso ko na to
Kahit papano, namimiss ko rin kayo...
Ang cheesy...


You May Also Like
1096Gang - "Marami Rami" Marami rami narin yung nangyari samin Mga lakad na kailangan muna manalangin Buhay ay mahalaga di dapat sayangin Dami kong sinakripisyo sana ay palarin Tinigilan ko ang bisyo para may makain Kita mo...
Flow G - "Ayos Ba?" Kamusta kana? Kamusta kana? Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? Wala namang dapat ipag-alala Maniwala wag ka mangamba Havang oras ay tumatakbo Kailangan malaman mo Kung ano yung mga gusto mo lang Sa...
8 Ballin' - "Ride Slow" Eh bakit ngayon mo lang naman kase sinabi to sa akin Padaliin lahat ako ang atupagin Pakita mo na ang maganda mong tanawin Para di na ko mag abalang hanapin Dahan dahan lang dahan dahan lang Ride...
CLR, Pricetagg & Omar Baliw - "2020 Freestyle" 8 Beats Yeah, 'tol, lakasan ang beat Yeah, okay 'Tol, pati 'yung snare 'no, hindi ko marinig Uh, yeah, 'yan, 'yan, 'yan, 'yan Check, uh Sus por vida, bawal dito ang pabida Dahil ang tunay na bida...
Geo Ong - "Opinyon" Napapansin mo ba na parang niloloko na tayo? Ng mundong sobrang talino binobobo na tayo Pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao Mga networking na ang lakas mang gago Dinadaan tayo sa marketing na pa...