"ramdam mo ba?" lyrics

"ramdam mo ba?"

Di na ako mapakali
Ang layo ng 'yong mga tingin
Alam mo na ba aking kinakatakutan?

Wala ni isang umiimik
Nakasandal lang sa'yong dibdib
Sino nga ba sa'tin ang unang lilisan?

Habang tayo'y nakatapak sa basang damuhan
Nakatitig sa bituing nasa kalangitan
Ang tulang sinusulat ng aking mga labi
Sa iyong pisngi ay huwag kalilimutan
Habang tayo'y umiindak sa katahimikan
Nag-aalangan na sa ating kapalaran
Ang tanong na tumatakbo sa aking isipan
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo na ba?

Ang aking pagdududa
Sa'yong pinapakita
Ang tanging sigurado ay
Di ka sigurado sa akin, sinta

Ayokong natatalo
Matagal na akong tumatakbo
Pero ano nga ba ang mga rason mo't
Bakit ika'y lumalayo?
Sa iyong pagpiglas ay ba't mas kumakapit ako?

Habang tayo'y nakahiga sa iyong kanlungan
Nakatitig sa larawang nasa aking harapan
Ang tulang sinusulat ng aking mga labi
Sa iyong pisngi ay huwag kalilimutan
Habang tayo'y umiindak nang walang katiyakan
Pinipilit labanan ang ating kapalaran
Ang tanong na tumatakbo sa aking isipan
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo na ba?

Ang aking pagdududa
Ang aking pagkabalisa
Ngunit di ako ang mauunang
Bibitaw sa ating dalawa
Umamin ka na
Habang maaga
At kung papatay ka man
Ilibing mo ako, sinta

Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Iyong konsensya


Writer(s): Mariah Deborah Cabatbat
You May Also Like
John Roa - "Huwag Nalang Ako" Kailan ka pa ba matatakot Hindi ka pa ba napapagod Oh hindi ka pa ba nadadala Oh hindi naman na 'to bago Pero bakit ka nananatili At pilit pa rin akong pinipili Hindi ka ba nahihibang Kung ako ikaw...
Reese Lansangan - "By the River" Maybe I'm the only one who's still Stuck in the middle Tell me, have you thought about us Even just a little Still following the same old map with nowhere Else to go I know it's been a minute, but I...
grentperez & UMI - "close to you" Sometimes When I'm alone and you're not by my side I begin to wonder why I can't be close to you Yes I I'm following the footsteps left behind Coz you lead to me To your light And all I want is Just...
IV Of Spades - "Isang Pag-Ibig" Siya Ay walang pakialam Ano man ang sabihin ng iba Basta Ang importante Buong paligid ay masaya Ngayong gabi, umupo ka na Sa kan'yang tabi, tinitigan pa Ang kan'yang mata na para bang May gustong...
fitterkarma - "999" Ika'y aking lunas Sa matinik na rosas Sa aking unan At aking laman Hahabulin ang oras Kung buhay ko ay patas Sa aking duyan At aking daan Patungo sa aking Kamatayang laging Tinatakbuhan at...