"Borbolen" lyrics

"Borbolen"

Kapag nagsasama
Nagkakandaloko na kahit di natin sinasadya
Parang default na setting sa paborito mong camera
Laging dun tayo napupunta

Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Kahit anong pilit na aking ayusin
Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumadating
Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan
Nakaka-inis, ngunit pag wala ay nakaka-miss

Ewan ko nga kung ano ang meron sa barkadang ito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Tulad nung lamay ng inyong kapitbahay
Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay
Ok lang sana, kung walang nagmimisa
Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa

Paano kaya ko nasama sa mga kolokoy na 'to?
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan
Kahit ano ang mangyari sa atin walang iwanan
At walang tatalo kainlan pa man sa ating samahan
At aking paninindigang borbolen tayo

Borbolen ka ba?
Ngayon at kailanman
(Borbolen tayo)
Borbolen tayo


Writer(s): Chito Miranda
You May Also Like
Jireh Lim - "Ikaw Lang" Simula nang tayo'y pinagtagpo Kalungkutan ay naglaho Biyaya ka sakin ng maykapal Ikaw lang ang dinarasal Sa piling mo'y napupuno ng Hiwaga at ng mahika Ikaw lang ang laman ng puso't isipan Ikaw...
The Speaks - "High" Will it ever be? I've tried so hard to find sweet serenity Are you still afraid? Just close your eyes and dream, and fear will fade away Time won't flow, everyone knows When the pain fades away And...
6cyclemind - "Alapaap" May isang umaga Na tayo'y magsasama Haya at halina sa alapaap O anong sarap Hanggang sa dulo ng mundo Hanggang maubos ang ubo Hanggang gumulong ang luha Hanggang mahulog ang tala Masdan mo ang...
Sugarfree - "Batang-Bata Ka Pa" Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Yan ang totoo Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay Ay isang mumunting...
Sponge Cola - "Kunwari" Tayo na namang dalawa Walang sali-salita Pinag-tagpo ng tadhana Magkasamang nag-isa Sa bawat sulyap lang ba Tayong pwede magkita Naghihintay, may mauna sa'ting dalawang Madulas, oh oh oh Lagi lagi...