"Wala Na Talaga" lyrics

"Wala Na Talaga"

Minsan parang wala nang dahilan
Tila nagpapanggap na lamang
Ayoko man aminin sa iyo
Pero nagsawa na yata ako

Wala naman tayong problema
Ngunit parang hindi na tayo masaya
At kung papipiliin lang ako
Parang gusto ko nalang huminto

Ayaw naman kitang lokohin
Magkuwaring sa puso ko'y ikaw pa rin
Meron tayong nakaraang pinagsamahan
At ayaw na kitang masaktan

Kailangan mong malaman ang katotohanan
Kundi pareho lang tayong mahihirapan

Hindi na ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na kong maramdaman... wala na talaga

Wag mong isipin na merong iba
Hindi yun ang rason kung ba't ayaw ko na
Hindi ko din lubusang maintindihan
Basta't alam ko na may dahilan

Pagkat nahihirapan na ang puso ko
Para kong nakakulong sa loob ng mundo mo

Wag mo nang tanungin kung kailan nagsimula
Di ko din alam kung kailan nawala
Wag mo sanang iisiping may mali kang nagawa
Pareho lang tayong walang pagkakasala

Hindi ko rin naman 'to sinadya
Mas mabuti ngang hindi na magtagal
Sapagkat di na kita mahal

Hindi na ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na kong maramdaman... wala na talaga

Hindi na ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na kong maramdaman... wala na talaga

Wala na talaga
Wala na talaga


Writer(s): Chito Miranda
You May Also Like
Moonstar88 - "Ligaw" Pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon? Nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango Ano tong dagang gumagapang sa aking dibidb? Habang tinititigan ka kunwari nakikinig' Di makapaniwala Kasama kita ngayon...
Callalily - "Susundan" Susundan kahit san man magpunta d ka mawawala... Naghahanap ng kasagutan Sa tanong na di ko maintindihan Meron pa bang patutunguhan Ako'y nandito at ika'y nawawala Nahuhulog na ang luha......
Siakol - "Tropa" Kwentuhan na kabulastugan Hindi malilimutan ang asaran Na mayroong pikunan Lalo na rin ang unang niligawan Unang kabiguan At dyan nagseseryoso ang usapan Ang pagdadamayan Nang tunay at tapat na...
Slapshock - "Direction" I need your own advice I'm falling far behind You need to tell me now If I'm pushing you away I suffer with your dust I'm burning all your trust I can't believe it's true That I need you here to...
Rocksteddy - "Kung Magiging Tayo" Ito ang liham ko Nilapatan ng tono mga letra ng puso Na nilihim ko sa iyo Kay tagal na tinago nagantay lang ng tiyempo Pakinggan sana ang awit ko Para lang sayo Kung magiging tayo Pangako ng puso...