"HU U?" lyrics

"HU U?"
(feat. Because)

[Because:]
Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?
Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?

Sabi ko naman na ang gusto ay kukuhain
Mga plano't panalangin lahat tutuparin
Mataas na pangarap pero tutuparin
Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?

Who you? Who you? Who you?
(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)
Who you? Who you? Who you?
(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)

[Pricetagg:]
Ako ay pinagpala nung ika'y nagpunta sa'kin
Minahal ang pagkatao kahit 'di ka bagay sa'kin
Makasama habang buhay 'yan ang aking panalangin
At pangakong 'di ka bibitaw kahit alanganin
Ang ating sitwasyon, alam mong nasa ilalim
Pangarap ko at relasyon sabay bubuhatin
Pero 'di ka naniwala at walang tiwala sa'kin
At tayo ay naipit kahit na pilitin natin
Kulang lang ang oras ko, 'di ka nakuntento
Madalas ka pang makinig sa ibang kumento
Sa kadena nakagapos pa'no pa ako bubwelo
Kung ikaw na mismo ang umaapak sa'king preno
Sinubukan kong ayusin ako'y parating na
Gusto kang kausapin at iparating na
Tagumpay hinahanap ay padating na
Pero 'di na pala ako'y iniwan mo na

[Because:]
Sabi ko naman na ang gusto ay kukuhain
Mga plano't panalangin lahat tutuparin
Mataas na pangarap pero tutuparin
Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?

Who you? Who you? Who you?
(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)
Who you? Who you? Who you?
(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)

Nakita sa mata, ginamitan ng camera
Lagi tayong wala sa iisang pahina
Gabi 'gang umaga galit na pala kaya
Dati laging magkakampi ngunit sabi niya
Gusto ko resultang mabilisan kung 'di ka iiwan
Nang marinig 'yon ay nabahiran
Lungkot ng damdamin na dinadaanan
Mahirap magtiwala sa walang tiwala

[Pricetagg:]
Alam ko sa sarili na hindi ka babalik
Kaya yakap at halik mo, 'di na 'ko sabik
Gusto ko lang sanang sabihin na hindi ako galit
Ginamot ko na ng pera ang iniwan mong sakit
'Di ko inasahan na makakamit ko na
Ang dating imposible ay naging posible na
Ngayon pwedeng sabihin na ako ay kilala
Sana ay nandito ka pero teka, sino ka?
Naghanap ako ng ilaw ang paligid madilim
At sa buwan nakatingin at ang ulap ay itim
Gusto mo daw akong hanapin upang ako'y harapin
Sa bintana tumingin, isa na 'kong bituin
Tanggapin na kahit sino pa ang makilala
Maririnig mo boses ko kahit saang kalsada
At sana mag-iingat ka pa din at para
Teka, anong pangalan mo? 'Di ko maalala

[Because:]
Sabi ko naman na ang gusto ay kukuhain
Mga plano't panalangin lahat tutuparin
Mataas na pangarap pero tutuparin
Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?

Who you? Who you? Who you?
Who you? Who you? Who you?
(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)


Thanks to Kingbl_nk for correcting these lyrics.
You May Also Like
Gloc-9 - "Saranggola" Kay tagal ko nang dalangin Mahigpit mo akong yakapin Hindi ko sukat akalain Ang lahat ay mag kakaganito Sinasambit mo ang pangalan Mga kamay ko ay hawak mo Walang kasing tumbas na yaman Ang...
Smugglaz - "Samin" Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan Ng gera at digmaan na to'y magkabilaan Ko na palaging tangan sa kaliwa't sa kanan Mga pinanghawakan ko na di mabitawan Nagpatuloy sa pagsulat paglikha't...
Bugoy Na Koykoy - "2 Joints Hanggang Doomsday" Di ako nag switch 2 joints hanggang doomsday Sunday aking vibes kahit ngayon pa ay Tuesday Daily aking payday hindi kinsenas typeshit Mga wack na rappers hindi makalapit Sobrang layo sakin sing liit...
Jom - "Para Sa'yo" Ilang ulit pa ba Kayong mag-aaway Bakit ka pumunta Ayoko nang madamay Pagod na Akong makinig sa kwento mo 'Lam mo naman na Mabilis akong mahulog sa iyo Tapos bigla mo 'kong iiwan Bumabalik ka lang...
CLR - "Daan" Tumayo ka Humayo ka ng makalayo ka Kay maayo kaayo ka. Wa ka gabaga gakalayo ka Di kakayanin ng maangas kung ang alab ng puso Mo'y magniningas at sisilaban ang mga sagabal sa daan Kaya yung hadlang?...