"Triangulo" lyrics

"Triangulo"

Anong nangyayari? Anong intensyon?
Bakit may problema na wala ng solusyon?
'Di marunong magtiwala may sariling proteksyon
Na buhay para mamatay pwes anong aking misyon
Mga pangakong nasa pwesto 'di na maintay
Sa hirap magkapera tatarget maghihimay
Palaboy na bata 'di nakaranas ng gabay
Bumawi ng buhay 'wag lang matawag na hinay
Imbes na tulungan kukuhanan ng larawan
Basura na tinapon 'pag hindi ka na kailangan
Sarado ang bibig 'pag madaming nalalaman
Nagkalat ang bangkay pero walang mga pangalan, ugh

Sino ba'ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba'y totoong may pake sa'yo?
Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo

Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na magbabago

Daming may sobra pero daming may kailangan
'Asan ang pag-asa kung wala kang aasahan
May nakapatay kasi kailangan niyang lumaban
May nakukulong kahit hindi niya kasalanan
Nakatakip ang tenga, pa'no pa pakikinggan
Nagbubulag-bulagan at may kita lang sa kitaan
Puno mga bulsa pero utak ay walang laman
Wala ding matuwid kahit sino pa'ng dumaan
Para sa'n pa bang pinaglalaban?
Binenta ang bansa nang 'di mo nalalaman
Kapwa mo Pinoy, 'yan ang katotohanan
Ngayon sabihin mong ikaw ay makabayan

Sino ba'ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba'y totoong may pake sa'yo?
Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo

Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na magbabago

Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago


You May Also Like
Sam Concepcion - "Diwata" Shawty I've been feeling lonely Memories of 2019 On the beach and we vibin' Cold ones on hand we excited Good trips, sailing sabin It's me you in the horizon I've been talking 'bout life and I'm...
Geo Ong - "Walang Bago" Minsan ba, 'di mo na alam ang gagawin mo Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo Pero bakit madalas ka paring salatin oh Kahit alam mo naman na ikaw ay...
Jom & Crakky - "Anghel" Namamalikmata lang ba Ako ay nagtataka Yung dating kwento lang nila ngayon ay aking nadarama na (Mahal kita) Gan'to pala kasigla ang gawing ibigin ka Nung sa 'yo na-inspira nasabi kong ikaw na nga...
O.C. Dawgs - "Pagmamahal Mo Lang" Ibang pakiramdam 'pag sa'yo nakatingin Sa'yo ko na lang muli naramdamang ngumiti Ikaw ang dahilan kaya hindi ako nauubusan Ng lakas at kaligayahan, kaya naman Hindi ko na kailangang maghanap Dahil...
Mac Mafia - "loveorlust." I'm feeling so fine Feeling so high You got me fucked up, I'm fucked up I'm feeling so high Feeling so fine Feeling so high You got me fucked up, I'm fucked up I know I got a lot of things I...