"Shantidope" lyrics
"Shantidope"
(feat. Gloc-9)
[Gloc-9:]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
[Shanti Dope:]
Gandang umaga haring araw, tulala sa kaning bahaw
Pang-amoy na nabusog sa lumalapang alingasaw
Ng kalye't kairitang, halayang ininit lang
Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang
Pasok sa paaralan, gano'n pa din pag-uwi
Dakilang tagahiwalay ng de kolor sa puti
Poso na nagturo sa'king, pa'no humingang malalim
Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin
Mababad man sa gawaing bahay laging nangunguna
'Pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyo
Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo pa
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin
Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
[Gloc-9:]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
[Shanti Dope:]
Taas noo pa ding nakayuko, salop man ay madalas mapuno
Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo
Parang kada buwan nakikipagbuno tuwing araw ng dalaw laging madugo
Gayon pa man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo
Napapakapit tuko lahat ng aking kuko, nakabaon ng malalim
Para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo
Ang dami nating gusto na 'di magawa 'pagkat ayaw nating matukso
Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin kapag ka dumating na ang ating sundo
Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta
Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
Sa dinami-dami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga
'Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
[Gloc-9:]
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo
Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo
Writer(s): Aristotle Pollisco, Sean Patrick Ramos
- AZLyrics
- S
- Shanti Dope Lyrics
You May Also Like
Inigo Pascual - "Extensyon" Tatlong taon apat na buwan
Tayong magkasama
Ikaw at ako tayo noon
Ngunit ngayo'y wala na na
Nais mo pa sanang magbaka sakaling bumalik
Ang init ng yakap at halik
Ngunit merong mga pangyayari
Na...
ALLMO$T - "Miracle Nights" Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa
'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)
Pinana na...
Ex Battalion - "Bootyful" Let me see the booty baby show me baby
And let's start around
Let me have good look at baby
Shake your booty now
Let me see the booty baby show me baby
And let's start around
Let me have good look...
JRoa - "Babalik" Makalipas ang mahabang panahon tsaka mo marararamdaman ang lubos na panghihinayang
Sayang lamang dahil hindi na muling mahahawakan pa ang mga palad ko mula nang ako'y iyong bitawan
Binasura ang...
SUD - "Di Makatulog" Heto na naman ang pusong gising na gising
Sabik sa mga yakap mong ka'y lambing
Umaga na pala pero walang pakialam
Kausap ka, penge pa ng sandali
Minsan lang ako magkaganito
Puso kong umidlip,...