"Wag Kang Ganyan" lyrics

"Wag Kang Ganyan"
(feat. Yumi)

Simple lang
Kung pwede naman
Simple lang
Kung pwede naman

Isang umaga na naman akong gumising
Nang hindi ko kayo katabi
Saka na lang namalayang tanghali na pala
Napuyat kakaisip ko kagabi
Maghapong tulala at nanghihinayang
Sa lumipas na nakaraan
Na nalason na ng iba't ibang dahilan
Hanggang sa nawalan na ng paraan

Paraan na ayusin kung sinong naguguluhan
Tayo lang ang magtutulungan
Diba't ayan ang turo sa atin ng iyong ina?
Ba't na tayo nagtuturuan?
Kung sino bang dapat managot'
Sa lahat ng ito at umako ng sisi
Kahit na mabulag, mabinge't, mapipi
Sige ako na, ganun lamang kasimple
Alam ko na hindi gano'n kadali
Pero alam ko naman na pwede mangyari
Kung dalawa tayong lalaban
Sabay kahit sablay ko'y napakarame
Subalit ngayon ang kapit mo d'yan
Masyado ng nahigpitan
Pinaliwanag ko na ang lahat
Wala ka pa din atang naintindihan

'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito
'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, pwede na 'yan
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana ay...

Madaling araw na namang naalimpungatan
Hirap makatulog ulit
Ayaw mapanaginipan ang pangit na mukha
Na nakikita sa pagpikit
Sayang lang at 'di mo naunawaan
Ang mga nais iparinig
Ang bulong ng puso ko sa gitna ng ingay
Ng mga nagsisigawang bibig

Natin na ayaw patalo subalit sa dulo panalo ka pa
Kung alam mong nasa katwiran ka pa
Para gumanyan sakin, masyado ka na
Kalooban ko ay ibinaba
Habang paningin mo'y nakatingala
Malabong makita mo 'to
Bale merong pag-asa man sakin ay balewala
Kaya nga heto na tayo sa puntong hindi ko hinangad
Sapagkat ikaw ang lang siyang kong lakas at kahinaan
'Di ko inasahang sagad mo lahat na ipapadama
Lahat ng mga sakit na dapat kong maramdaman
Dahil ang tama at mali'y 'di na umiiral pa sating mga karapatan

'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito
'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, pwede na 'yan
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana ay...

'Wag mong hayaan na mawala lang basta ang ating pagmamahalan
'Di na ba mahalaga sa'yo ang lahat ng ating mga pinagdaanan?
Makinig ka sakin at aayusin natin ang lahat-lahat
Pwede bang 'wag kang ganyan? Pwede bang 'wag kang ganyan?

Makinig ka naman dahil para sumagot sa akin lalo kung hindi patanong
Ang aking sinasabi dito sa larong sino man ang mataya, balagong
Alam kong kahit na pangunahan ka pa ay wala huli na ko pagkat
Minanipula mo ang aking kapalaran hanggang sa maging kumplikado lahat
Masakit man at yun ang totoo 'di man maipagtapat
Ang mga rason at batayan na alam mong satin ay 'di pa sapat
Para kinabukasan ay maisara yung kahapon ng mag-iba ka
Na parang aswang sa ilalim ng buwan na bilog halos 'di na kita kilala
Binigay ko ang lahat sayo kahit kapalit sakin ay halos wala
Kasi mahal kita gusto mo pa ba na akong masiraan, umayos ka nga
'Wag kang ganiyan, 'wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, pwede na 'yan
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana
Ay marinig ang aking tinig na nagsasabing mahal kita

'Wag kang ganiyan...


Thanks to Dhondy Castillano for adding these lyrics.
Writer(s): Bryan Lao
You May Also Like
Chocolate Factory - "Pag-Asa" Laman ng isipan Nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan Pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay Ngayon nahihirapan sa'yong biglang paglisan Gabi-gabing nangungulila Araw-araw ay lumuluha Kahit...
JRoa - "Need You" I just want your body baby lika na Di na ako galit baby uwi kana Hinihintay kita dito kanina pa I just want your body right na na na I just want your body, body, body I just want your body on me, on...
Stick Figgas - "Lamanloob" Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko Malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko Mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang...
Apekz - "Pasulyap Sulyap" Gusto ko na mapasakin ka Pero hindi ko naman maamin na May gusto ako sayo kinakabahan ako Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa Isang katulad mo na para bang prinsesa Ang pera ko lang ay...
Ron Henley - "Hagdan" Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde Nakasagutan ko si nanay Si...