"Puso" lyrics

"Puso"

Hinihingal ka lang
May oras pang natitira
Kahit parang ang layo pa
Habol

Kung harangan ka man
Sumalakay man mga bantay
Lahat kami Maghihintay
Habol, habol!

[Refrain:]
Dehado kung dehado
Para sa'n pang mga galos mo
Kung titiklop ka lang
Titiklop ka lang
Matalo kung matalo
Huwag ka sanang magkakamaling
Sumuko na lang

Maagawan ka man'
Lalung huwag kang papipiga
Kumpiyansa lang bawat bangga
Kumaripas ka na

Humanda ka na sa paglipad
Pakpak nati'y ilalantad

[Refrain]

Ang puso
Iaalay
Sa laban
Kapalit ay tagumpay
[x2]

[Refrain]

Ang puso
Ialay
Sa laban
Kapalit ay tagumpay

Ang puso
Iaalay
Sa laban, sa laban, sa laban, sa laban mo

Ang puso
Iaalay
Sa laban
Kapalit ay tagumpay
[x3]


Writer(s): Sponge Cola