"LPL" lyrics

"LPL"

Panakaw-nakaw ng tingin
Ba't hindi ka namamansin?
Tingin mo ba ako'y natutuwa
Sa paumanhin mong nanunuya?

Hahawakan ko'ng ngiti
Na binura na ng lamig
Tinataboy mo ba ako?
O tinatawag sa'yong tabi?

Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam

Nayayanig kong daigdig
Gamit ang 'yong mga mata
Kung nagtitipid ka ng papel
Ay libre lang magsalita

Pasalubong mong katahimikan
Mas gusto ko nang mapagalitan

Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam
At sorry kung masyadong matimbang
Hinihiling kong kaliwanagan

Sorry kung hindi mo nabalitaang
Naimbento na ang paalam
Sorry kung masyadong matimbang
Hinihiling kong kaliwanagan

At sorry sa aking sarili
'Di na matitikman ang kaligayahan


album: "For Princesses, By Thieves (O Mga Awit Ng Hiraya Para Sa Guni-Guning Sinta)" (2019)
shirebound - For Princesses, By Thieves (O Mga Awit Ng Hiraya Para Sa Guni-Guning Sinta) album cover
You May Also Like
Kyle Raphael - "BB" Nabibighani sa'yong gandang 'Di maikukumpara kahit kanino pa Oh, alam mo ba 'Di nakakasawang titigan ka Oh, baby, please Hayaan mo 'kong ibigin ka At baka bukas Makuha ko na rin ang iyong pagtingin...
Agsunta - "Alas Dose" Madaling araw Magkatabi habang Atin ang gabi Wag ka nang mawala saking tabi Maduming sala Malamig na alak Katabi ang bumubuo saking Hating gabi Halika na Doon tayo sa Kung saan masaya Kalimutan ang...
Soapdish - "Pwede Ba" Pwede bang sabihin mo Na itatago mo ang mga sulat ko Kasi medyo maiinis ako Kung itatapon mo 'Wag kang mag-alala 'Di ako luluha Kung may kapiling kang iba 'Di na pipilitin pa Itong damdamin ko sa...
Amiel Sol - "Soup" Pero kailan ba tayo magkikita ulit? Bakit kaya 'pag hawak ang 'yong kamay Ang oras kay bilis, 'di mapalagay Iba ba talaga ang takbo ng araw 'Pag ikaw ang aking kaharap? Ngunit ano 'tong nadarama...
The Ridleys - "Cold Feet" I'm learning to dance All red in the face While you take the lead I fumble around as I follow your pace Be patient with me These cold feet are clumsy as hell Don't you see? Teach me to dance like a...