"Waltz Of Four Left Feet" lyrics

"Waltz Of Four Left Feet"

Sapat na sa'kin ang ganito
Ang pagmasdan ka sa malayo
Kapag kinausap, walang masagot
Hininga'y lagot

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa 'kong mabuhay sa aking kalokohan
Kung wala ka sa'king buhay, walang kalungkutan

Munting ligayang iyong hatid tuwing
Dahan-dahan kang darating
Kagandahan masisilayan
Dahan-dahang lilisan

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa 'kong harapin ang kasinungalingan
Kung wala ka sa'king buhay, walang kakulangan

Sapat na sa akin
Hindi na aamin
Hindi na aasa
Ako'y maligaya
Sapat na sa akin
'Di na aaminin
Hindi na aasang
Ako'y liligaya

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa 'kong mabuhay sa aking kalokohan
Kung wala ka sa'king buhay, walang kalungkutan

Hindi ko yata tanggap ang buhay
Kung sa'n 'di ko mahawakan ang iyong kamay
Handa 'kong harapin ka, walang katiyakan
Kahit na takot sa maaring kasagutan


album: "For Princesses, By Thieves (O Mga Awit Ng Hiraya Para Sa Guni-Guning Sinta)" (2019)
shirebound - For Princesses, By Thieves (O Mga Awit Ng Hiraya Para Sa Guni-Guning Sinta) album cover
You May Also Like
Arthur Nery - "Pagsamo" Kung bibitaw nang mahinahon Ako ba'y lulubayan ng ating Mga kahapon na 'di na kayang Ayusin ng lambing Mga pangako ba'y sapat na Upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap Ba't pa ipapaalala 'di rin...
Parokya Ni Edgar - "Para Sayo" Lumayo kana sa akin Wag mo kong kausapin Parang awa mo na Wag kang magpapaakit sakin Ayoko lang masaktan ka Malakas akong mambola Hindi ako santo Pero para sayo Ako'y magbabago Kahit mahirap...
rhodessa - "Kisame" Gustong tumingin sa iyong mga mata Na nagniningning kahit nasaan ka pa Pero bakit ba ang layo mo? Laging magkabilang mundo Pero bakit ba ang layo mo? Pwedeng sa'yo na lang ako? Nakatitig sa kisame...
Dilaw - "Uhaw (Tayong Lahat)" Sabik na mahalikan Mayakap ka't masayaw sa ulan Ang mundo'y gagaan Mundo ko'y gagaan Maligaw man ng landas ay Hahanapin ang kalsada Patungo sa'yo Ikaw ang daan Dumilim man ang paligid ay Ikaw pa rin...
SunKissed Lola - "Paki Sabi" Bakit ba ako nalilito? Kung saan saan humihinto Para lang makita mo akong Naghihintay lang para sa'yo Ikaw lang ang laman ng aking puso Lagi kang tumatakbo sa isip ko 'Di na makatulog sa gabi...