"Hoy" lyrics

"Hoy"

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya
Tara na
Hoy, pare dito lang meron yan samin
Hoy, halika dito making ka sakin
May nagsuswimming kahit di malalim
Langoy, bumabagyo ulan na merong hangin
Tuwing may nagluluto pwede kang kumain
Galling, pag may umutot walang umaamin
Hoy, sabit sa jeep salubungin ang hangin
Ako’y taga pinas ang tunay na sa amin

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Hoy, lahat ay paborito ang balot
Hoy, hindi uso sa amin ang bagot
May mga magnanakaw na palusot
Amoy unggoy lamang ang nakasimangot
Uunatin naming lahat ng gusot
Pwera lamang ang buhok mo na kulot
Ako’y sanay sa basura na gabundok
Ang kasiyahan naming dito ay walang tuldok

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Tumatawa sa baha
Ang tuwa’y walang sahig
kahit marami samin ang isang tuka isang kahig
Kahig ba ang tawag don o kahit pa mabaon
Sa utang ay hindi bumababa ang aming talon
Nang sa gayon ay abutin aming mga pangarap
Parang mga bituin tuloy tuloy pa rin ang alab
Sa langit at kahit mahapit man ang masikip na baro
Hagok, batok at dagok kailanmay di maglalaho
Ang pag-asa sa puso, pawis man ay tumulo
Sagasaan man ng dagat, bundok man ay gumuho
Simple lamang po naman ang tanging sinasabi ko
Aking mga kababayan ang pinakamatibay sa mundo

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na hoy, hoy, hoy, hoy...


Thanks to raffymanzanares for adding these lyrics.
Writer(s): Aristotle Pollisco
album: "Sukli" (2016)
Gloc-9 - Sukli album cover
Ang Probinsyano
(from "Ang Probinsyano" soundtrack)
You May Also Like
CLR & Omar B. - "K & B" (Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang) Salamat sa mga hindi lumisan Alam ko nagkamali rin ako minsan Galaw ko ngayon akin nang pinagiisipan Habang...
Imago - "Bakit Ba Ganyan" Bakit ba ganyan, ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta Ewan ko, bakit ba ganyan, damdamin ay 'di...
Nik Makino - "KG (Kay Ganda)" Kay gandang Pagmasdan ng mukha mo sa araw-araw Hmmm, nakakauhaw Kay tagal kong hinanap kung saan Kailan ko ba matatagpuan? Salamat at nanjan ka na Pag-ibig ko sayo ilalaan Sana di mo makaligtaan...
Geo Ong - "Breadwinner" Bakit ba ganito Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo Bakit parang ako lang ang may pasan nito Pamilya ko nga ba talaga kayo Sana'y, mahalin niyo rin ako, oh Lahat ay gagawin ko, ooh Para sa inyo...
Lo ki - "Praise The Lord" When I feel so numb and so down You lift me up until right now I praise the Lord and take a bow You save my soul from the ground When I feel so numb and so down You lift me up until right now I...