"Kalye" lyrics
"Kalye"
(feat. Yosha)
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Iba’t Ibang tao, Iba’t Ibang araw
Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag
At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw
Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy
Usad na di palangoy tawa man o panaghoy
Lahat tayo’y mababasa o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang syang daan kahit buo kong
pangalan ay kinatatamarang
Sambiting madiin marating tawirin tiisin
Kung ayaw mo sa’kin sige piliin kung alin
Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Aling Celia ang pangalan
Lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paro paro sa balikat yun ang akala
Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka
Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela
Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga
Madilim kasuluksulukan sa Boni
Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit
Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit
Napiit kahit na di ito Selda Bilibid
Araw araw napakaraming tao ang naiipit
Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Galit reklamo angal asar
Init pahid pa
Tila di marating ang tinatanaw na lugar
Napakabagal ng pag usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito’y nagsilbing
kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging
Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at
Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke
At tapang na katulad na pinagsama samang kape
Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Smugglaz - "Resbakkk" 'Kala nyo ganun nalang tuk-kahin ang nilalang
Para na 'di na magawang balikan ang iba pang
Dapat kung patunayan ay sana dumali kayo
Kung akala nyong ganun lang kadali maging ako
'Kala nyo ganun...
Bandang Lapis - "Huling Mensahe" Hanggang dito na lamang ba
Lagi na lang nasasaktan ng ganito
Ano bang aking nagawa bigla kang nanlamig
Ibinigay ko naman lahat
Pati ang buhay ko
Eto ba ang sukli sa pagmamahal na inalay ko sa 'yo...
Yayoi Corpuz - "Tulog Na" Malalim na ang gabi
Pwede ba na h'wag muna tayong magmadali
Dito ka lang sa tabi
Gusto ko lang matitigan ang iyong ngiti
Wag kang mag-alala oh mahal sakin ay pwede kang sumandal
Asahan mo sa pag...
South Border - "May Pag-Ibig Pa Kaya?" Inalagaan at minahal kita
Pinangarap at sinamba ko pa
Sinugatan ang puso kong ito
Nang nagkalayo puso'y nagtampo
Di maiwasan na maalala pa
Ang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla
Mga umaga na dati'y...
Nik Makino - "Sige Na" Baby, sige na, samahan mo ako
Sabay nating haharapin ang bagong yugto
Ng ating buhay, buhay na makulay
Basta may gulay, 'di ka mauumay
Baby, sige na, samahan mo ako
Sabay nating haharapin ang bagong...