"Payag" lyrics
"Payag"
Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako
Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Halina sa lugar na kung saan
masaya ang lahat ng mga kawatan
At kahit di totoo ang kanyang sinasabi,
lagi siyang pinakikinggan
Walang pakialam sa salitang ilan,
kahit gaano kamahal ang pinagbilhan
At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye,
lagi siyang napagbibigyan
Yan ang tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Sa mga kasinungalingan mo
Kahit sinabi mong ika'y magbabago
Yan lang ang pinanghahawakan ko
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Nasan na ang mga pangako mo?
Parang bula, bigla na lang naglalaho
Minsa'y parang kasalanan ko
Dahil, dahil pumapayag ako
Dahil pumapayag ako
Oras na para gumising ka
Ba't di mo subukang buksan ang iyong mga mata?
Kung ayaw nilang tumalon, ba't di ka mauna?
Sige, subukan mo lang na walang kakaba-kaba
Kung ito ang simula ng wikas
Isa-isa mong burahin ang mga bakas
Bago pa matuyo ang lahat ng katas
At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas)
Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?
Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw
Hanggang sa apat-naput-apat na beses lumitaw
Ang katotohanan, wag labanan, tinabunan, ipaglaban
Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa
Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Thanks to Krizza Bullecer for adding these lyrics.
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Apekz - "LSS" Mga tol
Mga repa
Ako nga pala si Apekz
Meron akong bagong trip
Sana masakyan niyo
Gusto mong malaman?
Ikaw, gusto mong malaman?
Syempre pwede
Sige lang pwede kong simplehan parang magaabot ng kodigo...
Chocolate Factory - "Letra" Ikaw ang laging hanap ko sa bawa't sandali
Kahit san man magpunta pag-ibig ko'y sa'yo lang
Wala ng hahanapin pa kundi ikaw sinta
Pikit man aking mata ikay naka pinta
Please lang, please lang,...
Stick Figgas - "Mukha Ng Pera" Simulat sapul ganun na talaga ang ikot ng mundo
Matagal na natin tong nararanasan
Napipilitan tayong gawin ang trabahong hindi natin gusto
Para bilhin ang mga bagay na hindi natin kailangan...
Flow G, Skusta Clee & Yuridope - "Gaga" Ayan ka ngayon
At naghahabol
Wala ka nang pag asa hoy
Di ka nagagahol
Di na rin para sayo'y maging mapagpatol
Kasi di naman na tulad mo katapat ko
Hindi ka bumilib, di ko na kasalanan yon
Wala na...
Skusta Clee - "Lagi" Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga
Hindi kumpleto ang araw 'pag 'di kita kasama
Okay lang nandito lang ako na laging nakaabang
Kahit na magdamag, ohh
Eh ano naman kung ilang oras ang masayang...