"Sukli" lyrics

"Sukli"
(feat. Maya)

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli

Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon, nilakad at dinaanan

Kahit maputikan ang aking sapatos
Na pinag ipunan ng hirap at pagod
Sapag... Tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na
Bawal ang aray kahit mamatay at gutaygutay pa
Gusto ko lamang sa. Bihin ay di mada
Li ang mga kailangan kong danasin pa
Ra lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinag kasya ko ang sukling
Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pang aking sukli

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli

Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang mag tapon dapat mag ipon ako ay pison papatagin
Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin
Sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, ama namin
Dambuhala man ang naka harang ay di tumitigil di papapigil
Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nang gigigil
Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong

Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan

Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag
Sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag
Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw wag kang bibitaw wag

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli


Writer(s): Aristotle Pollisco
album: "Sukli" (2016)
Gloc-9 - Sukli album cover
Ang Probinsyano
(from "Ang Probinsyano" soundtrack)
You May Also Like
Soapdish - "Totoo" Liwanag sa ating biglang dilim Nabalot ng ulap ng pagsisinungaling Kelan ka ba umamin At kelan pa ba lumalim Ang pagkukunwari na ito Pagkukunwari ng mundo At ano na kasi di ko na alam ang...
Loonie - "Wag Ka Magdroga!" 'Wag ka magdodroga 'Wag na 'wag ka mag-shabu 'Wag ka magko-coca 'Wag ka magdodroga Pwede sigarilyo Pwedeng pwede rin tumoma 'Wag ka magdodroga Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga 'Wag ka magdodroga...
CLR & Omar B. - "K & B" (Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang) Salamat sa mga hindi lumisan Alam ko nagkamali rin ako minsan Galaw ko ngayon akin nang pinagiisipan Habang...
Stick Figgas - "Parisukat" Ang mga butas sa pader ay nakatingin Mababang kisame ay nakikinig Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha 'Di man umiikot, ito'y nalibot na Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong...
Yayoi - "Tahan" Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Ta! Ta! Tahan na Aaminin ko nasasaktan kita ng hindi ko na mamalayan Patawarin...