"Panulat Mo" lyrics
"Panulat Mo"
Mabuti naman dumaan ka't bumisita
Palagi kitang hinihintay sa tuwina
Buong akala koy nakalimutan mo na
Ang humawak at sumulat paggamit ng pluma
Ang Mahalaga ikaw ay nag balik
Parang tuyong pisnging uhaw na uhaw sa halik
Ng tinta sa papel na dumidikit
Simulan natin ang mga mata moy ipikit
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
Pumasok sa silid na puno ng agiw sumasabay sa saliw
Ng lumang tugtugin kaya marahil
Patutulisin ang panulat parang pangil
Tumatahol nauulol
Pinupukol bukol bukol
Magmimintis sumasapol
Maaga pa'y mag hahabol
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
Akala ko noon ay sapat na
lahat ng binigay lahat ng pinusta
Lahat ng inabot lahat ng kinanta
Minsay nag lulustay madalas nag sasalba
Kasi alam ko na hindi naman ito tate
Pag di ka nag sube iiyak kang uuwi
Madalas mali ang tama at ang tama ay mali
Kung di mo parin nakuha pakinggan nalang uli
(pakinggan sa tulay)
Muli mong hawakan sa bewang ng lapis
Gumuhit ng letrang di kulang o labis
Umagos na oras tuyo na ang batis
Na nilusungan ko
Halika hawakan mo ang aking kamay
Ikaw na kasama ko nung akoy sumasakay
Sa likod ng jeep
Nakasabit na ngalay
At kahit masikip mag pipilit makasabay
Makauwi ng maaga
Matuyo ang labada
Matagal pa ang sahod baon mag kasya pa sana
Kahit wala pa sa gera
Nag iipon na ng bala
Ang mga kuwento na ito
Alas ng mga baraha sa bagong kabanata
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
album:
"Sari-Sari Story" (2024)
You May Also Like
6cyclemind - "Biglaan" Nandito nakaukit pa rin sa puso ko,
Ng sabihin mong "wag na lang".
Nandito nakatatak pa rin sa isip ko,
Kung paano mo tinalikuran ang lahat.
Kay bilis ba't umalis, nakakamiss
Na bigla lang di ko man...
Shanti Dope - "Tricks" So many hoes, wanna go play tricks on me, on me, on me, on me...
So many hoes, wanna go play tricks on me, on me, on me, on me...
Mga batang panginoon na naglalaro lang
Sa bandang alapaap, ang...
This Band - "Kahit Ayaw Mo Na" Kahit ikaw ay magalit
Sa'yo lang lalapit
Sa'yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na
Tatakbo, tatalon
Sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat...
Shamrock - "Naaalala Ka" Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang limot ko na
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y...