"Tinda Ni Linda" lyrics
"Tinda Ni Linda"
Walang makakapantay sa luto mo Linda
Laging nag aabang sa ulam mong tinda
Huling huli mo ang panglasa ko
Bumabalik balik
Na parang halik
Sa labi ko ang pancit mo
Walang kapares ang pares
Mapapa lodyis sa bopis
Di malansang kalamares
Sa suka toyo sili kamatis
Tamang tama lang di labis
Ang syang nalalasahan ko
Sanay matikman kong muli ang panalong dinuguan mo
Walang makakapantay sa luto mo Linda
Laging nag aabang sa ulam mong tinda
Huling huli mo ang panglasa ko
Bumabalik balik
Na parang halik
Sa labi ko ang pancit mo
Ngunit bakit pang nag sasara ka na
Sa gabi kayakap moy iba iba
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko parang may
Ibang kwento to
Hindi ko na napigil ang sarili nag tapat
Nabighani mo ako kaya sinabi ko lahat
Ikaw ang Kwento ng pag ibig ngalan Mo ang pamagat
Nang mapungay mong mata ang sa akin ay kumindat
Nag pahatid ka sa akin
Inalok ng tsaa
Tinitigan mo ako mula ulo hanggang paa
Umapaw ng pag tataka
Ang bibig ko ay bumula
Kakaiba sa mga ulam mong tinda alam ko na
Pinakbet mo si Ambet
Tapos nilaga mo si Nilo
Inadobo si Badong
At minenudo mo si Dindo
Bakit Sinisig mo si Cisiro
Kinilawin si edwin
Akala ko kambing
Itong kalderatang Karding
Inigado nya si guido
Crispy Pata na si aga
Kumukulong sabaw
Sinigang na atoy sa tasa
Utak sa sopas
Na may kakaiba sa panglasa
Kaya naman pala ganon kalapot ang yong sarsa
Binulalo si Paulo
Inihaw si gardo
Mga putahe sa karinderya mo na palaging garbo
Ako na minechado
Suki na ganado
Mga buto ko na pinakain mo sa aso
Ngunit bakit pang nag sasara ka na
Sa gabi kayakap moy iba iba
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko parang may
Ibang kwento to
Walang makakapantay sa luto mo Linda
Laging nag aabang sa ulam mong tinda
Huling huli mo ang panglasa ko
Bumabalik balik
Na parang halik
Sa labi ko ang pancit mo
Bumabalik balik
Na parang pancit
Sa labi ko ang halik mo
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
album:
"Sari-Sari Story" (2024)
You May Also Like
Flow G - "Batugan" Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbis mag-banat ng buto
Nag-unat ng butong may kasamang hikab
Ganun katamad!
Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag
At nagtataka ka pa kapag sa...
Geo Ong - "Breadwinner" Bakit ba ganito
Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo
Bakit parang ako lang ang may pasan nito
Pamilya ko nga ba talaga kayo
Sana'y, mahalin niyo rin ako, oh
Lahat ay gagawin ko, ooh
Para sa inyo...
Sugarfree - "Batang-Bata Ka Pa" Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting...