"Tatlong Taon" lyrics
"Tatlong Taon"
1995
Sana'y maibigan mong pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa ako
Bigay ko 'yan sa iyo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng puso at isip ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito
1996
Bagong sapatos na Nike para kay Joey
Pandalagang pabango na ibinilin ni Corie
Robot na nagiging kotse sa bunso ko na pogi
Nakalimutan ko yung wallet ni Tita, teka sorry
Yung tsokolate at sabon na lamang, bawi ako
Sa susunod na bagahe, sana'y mapadala ko
Kung meron pa kayong gusto, sabihan niyo lang ako
Ibibigay ko palagi, basta't sumuweldo ako
Ang kumot na makapal para sa higaan ni Tatay
Malambot na mga tuwalya na para kay Nanay
May nakaipit na panyo, ingatan, pakialalay
Baka mahulog yung singsing at hikaw, sana bumagay
'Pag kapos kayo minsan ay puwede niyong isangla
'Di man ganun kalaki, puwede na rin, kesa wala
May mga larawan akong sinama sa bandang baba
Lagi akong nakatawa para 'di mahalata
Ang lungkot ko dito
Sana'y maibigan mong pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa ako
Bigay ko 'yan sa iyo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng puso at isip ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito
1997
Alam kong natagalan, kala ko hindi na nga
Darating ang galing parang isang himala
Nasa tapat na ng pintuan ako'y ibinaba
Ngiti na di matatawarang kasabay ng tuwa
Agad na binuksan ang yupi-yupi kong kahon
Dali na bilisan, sinisigaw, pero bulong
'Di na 'ko makahinga sa dinami-dami nitong
Nilagay ng nagpadala na kung tawagin ay Long
Lahat ng kita, nilaan ang siyang matitira
Pa ay ipinambibili ng pasalubong nila
Mapagbigyan lang ang hiling ay nakakota na siya
Wala para sa sarili, ito ay sa kanila
Ganyan sila doon, tumataya ng luha at hirap
Ako ay kahong naglalaman ng sipag at sikap
Kalakip ng litrato ay may nakatuping sulat
Pinadala na niya lahat, dahil hindi na mumulat
Mga mata ni Long, pilit mang tinatanong
Maraming ganitong kwento, 'di to nagkataon
Parang patibong, kasi magpaghanggang ngayon
May pasalubong o sinasalubong na kahon...
Sana'y maibigan mong pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa ako
(1998)
Bigay ko 'yan sa iyo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng puso at isip ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito
Sana'y naibigan mong pasalubong ko
Pasensya ka na
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
album:
"Sari-Sari Story" (2024)
You May Also Like
JRoa - "Larawan" Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging alaala mo na lamang bang tanging hawak ko
At ang mga matatamis na yakap at halik sa...
Cueshe - "Lupit" Hanggang kailan mananatili sa isipan
Ang pag-ibig kong walang hanggan
Ina-aliw sa toma ang kasiyahan
Wala namang napapala
At ngayon kumakapa sa dilim at hinahanap ka Ohh...oahh...pag-ibig kay lupit...
Yayoi, Clinxy & Yosso - "Di Naramdaman" Hindi na kita sisisihin kung napaniwala ka nila
Nawalan ng gana dahil sa mga naririnig sa kanila
Sabihin mang dati na yang nangyayari
Hindi ka masisisi kung ayaw mo na
Bibitawan kita ng bukal sa loob...
Mayonnaise - "Ipagpatawad Mo" Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan
Di ka masisi na ako...
Parokya Ni Edgar - "Harana" Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang...