"Utang Clan" lyrics
"Utang Clan"
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Makinig sa kwento
Di to inimbento
Nangyayari sa buhay
Depende sa porsyento
Na kasali madaming nadali
Iisang finale
Puwedeng ale, lalake, may ari
Lahat ay kasali
Walang pinapatawad pag alam na matulungin ka
Lalatagan ka nalang ng pain, tutuhugin ka
Totropahin, Bobolahin, laging pupurihin ka
Mabubulaklak na mga salita, pupunuin ka
Tapos biglang may magkakasakit
Sayo unang kakalabit
Panay-panay ang bili ng bagong sapatos at damit
Teka lang kailan mo nga ako babayaran ulit
Biglang kakaripas ng takbo na pinakamalupet
Di mo na makita
Kahit sa kanila
Pero panay ang post na sya palagi ang pabida
Puro lang salida
Tila wala namang bisa
Parang takong di natisa
Malakas pero mahina hoy!
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Bakit ka ganyan sanay hiningi mo na lamang
Kala koy kakampi ka yun pala ay kalaban
Tinulungan ka na nga ako pang sinangkalan
Bibitawan iiwanan at agad na tatapakan
Tapos pag kaharap ay tila ikaw pa ang nalugi
Puwede sa iba pero hindi sayo ang sisi
Kahit anong haba ay mauubos ang pisi
Mahirap ang magtimpi
Parang pinipigil na ihi
Huwag mong sisirain ang sarili mo sa pangako
Na hindi mo kaya na tuparin at mapapako
Mga baga sa apoy na sadyang nakakapaso
Ang ganyang ugali baka sakali ay itago
Huwag nang ilabas at nang hindi na pamarisan
Kahit na maligo pa ng alahas at bihisan
Dahil sa pag-iwas panalo ka sa pabilisan
Kaylan may di mo ikayayaman yan kaibigan
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Utang ay utang
Kusang lumutang
Huwag kang magulang
Dapat di kulang
Kahit hulugan
Nakalimutan
Medyo magulang
Bakit ka nagtatago
Writer(s): Aristotle Pollisco
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
album:
"Sari-Sari Story" (2024)
You May Also Like
Matthaios - "I Want You Back" Baby, I want you back right now (baby, I want you back right now)
Yeah, the way you love, can you teach me how? (yeah, the way you love, can you teach me how?)
Di mahapayang-gatang, okay lang sa...
Moonstar88 - "Torete" Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan?
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay?
Sana ay maabot ng langit ang 'yong mga ngiti
Sana ay masilip
'Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa'yo...
Bandang Lapis - "Kabilang Buhay" Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat
Bakit pa dumating ang oras na ito?...
Imago - "Spoliarium" Madilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okay lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba pagnagsawa na ako
Biglang ayoko na
At ngayon di pa rin...
Ron Henley - "Biglang Liko" Yiee! Tara, sumama ka sa akin
Alam mo na dadalhin kta kng san mo gusto
Ang pawis ko'y tumatagaktak
Sa bilis may pumapalakpak
Abutin natin ang langit ibuka ang pak-pak
Langhapin ang halimuyak ng mga...