"Pamahiin" lyrics

"Pamahiin"
(feat. Jroa)

Lagi ka nalang tuliro, walang imik, walang kibo
Di ka makausap ng matino pero laging bukas ang aking pinto
Para makinig, para malaman ang nilalaman ng namumugto mong mata
Sadyang may mga tao lang na bulag sa tunay mong halaga
Tahan na! Pumikit ka muna, bukas ka na dumilat
Malakas man ang ulan ngayon, may araw ring sisikat
Pag nakikita kitang nalulumbay, gumuguho ako ng kusa
Don ko nalamang pag ang langit lumuluha, apektado pati ang lupa
Ngayong

Araw ng Biyernes, Gabi ng A-trese
Ayon sa kasabihan (sabi nila)
Madalang daw ang swerte
Eh eh eh Bilog naman ang buwang handog sa atin ng may Likha
Biglang ulan pa nga ng mga mababangong salita

Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita
Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita

Buti naman di ka na tuliro, ngumingiti ka na't nangingibo
Di ko namalayan na sa bawat pagbibiro, Naiipon ang minutong humihinto
Bakit may kilig? Nakakarinig nako ng masasayang kanta
Natatagpuan nalang ang sariling nagpapabango kapag nandyan ka
Isang gabi habang basang-basa ang lansangan
Ikaw pakaliwa, ako pakanan
Mga matang dahan-dahan nagbanggaan
Isang kadahilanan para tuluyang makalimot ako
Di man kalakihan ang aking mundo pero handa itong umikot sayo ngayong

Araw ng Biyernes, Gabi ng A-trese
Ayon sa kasabihan (sabi nila)
Madalang daw ang swerte
Eh eh eh Bilog naman ang buwang handog sa atin ng may Likha
Biglang ulan pa nga ng mga mababangong salita

Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita
Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita

Alak ang pangmumog, lungkot ang pantulog
Bumabaha ng luha lagi, abot hanggang pusod
Ako naman ang laging tuliro, ilang araw na tayong magkalayo
Pero sanay narin naman akong ganto sa t'wing nagmamahal ako ng patago
Bigla nalang akong napatingin sa kalangitan
Inisip ko sana nga'y iisang bituin lang ang ating tinitingnan
Kung alam mo lang, para lang akong punong nag-aabang
Ng ibong adarnang magdaraan, sisilong nagbabakasakaling makantahan ngayong

Ngayong araw ng Biyernes, gabi ng a-trese
Ayon sa kasabihan (sabi nila) madalang daw ang swerte
Eh eh eh Bilog naman ang buwang handog sa atin ng may Likha
Biglang ulan pa nga ng mga mababangong salita

Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita
Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita

Sana kahit hindi
Araw ng Biyernes, Gabi ng a-trese
Sana nga maulit pa, yun lang kung pepwede

Mahamog ang araw na handog sa atin ng may likha
Biglang tumigil ang lahat, bago ako bumaba

Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita
Tingin ko nga'y malas lang nila
Kasi kasama na kita


You May Also Like
ALLMO$T - "Dalaga" Baby wag ka ng mag-alinlangan pa Alam mo naman talaga na kailangan ka Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at Gusto kong makita, yeah Gusto kong makita Isang dalagang pilipina, yeah Dalagang...
Gloc-9 - "Ipagpatawad Mo" Ipagpatawad mo aking kapangahasan Ang damdamin ko sanay maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo Ako ma'y naguguluhan Dika masisi na ako...
HELLMERRY - "My Day" Simula nung humalik pabalik sayo Di na maalis sa isipan ko Mga alaala na iniwan mo Turingan parang kaibigan ohh Lunes hanggang linggo Bitches they come and go Saturday to Sunday, Monday Si Hellmerry...
Smugglaz - "Hakuna Matata" Wag ka mag-alala la la la la la... Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon Eh pano buhay ka pa...
Geo Ong - "Pekeng Kaibigan" Ha! Ha ha! Ang dami, dami kong kaibigang ganito Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami Ang dami, dami kong kaibigan peke (Peke, peke) Kala mo tunay yun pala ay hindi (Hahaha) Ang dami, dami kong...