"Paliparan" lyrics
"Paliparan"
(feat. Jameson)
'Di sa pagdadrama
Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na'to ang aking nadarama
Ako ay lumuluha patago habang nakatayo
Pinagmamasdan ka papalayo
Sa bawat pagsubok alam kong tayo ay lalago
At sa alaala ko habambuhay naka-tato
Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo
Kahit bano, sinamahan mokong maupo sa may bangko
Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam
Tayo'y nababalot sa kumot at unan
At tanging sa platito lang ang ating tagpuan
Sa mundo kung pinagkasundo ang asukal at suman
Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan
Magkahawak ng kamay inaabot ang kalawakan
Masyado tayong nagsaya
Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
Nasaktan lang kita, habang wala ka
Ako'y nasa kama ng iba, di ko talaga kayang mag-isa
Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan
Praningan dahil puro kasinungalingan
Di ko na kelangang salagin, ako ang salarin
Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin
Dahil nagawa ko'to sa babaeng nagmahal ng wagas sa akin
Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating
Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari
Kung sa'n panay bulaklak at masagana yung ani
Pinaghalong lungkot at panghihinayang
Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang
Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano
Kaso sabay sa'yong paglipad, agad itong naglaho
Bago ka umalis at bago rin ito matapos
Nais ko lang munang magpaalam sa'yo ng maayos, uh!
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
Tapos na nga ba tayo? o baka naman hindi pa
Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita?
Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin?
Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sakin
Marahil nagawa ko lang 'to
Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako
Kaya nu'ng nalulungkot ka, ako yung hinahanap mo
Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo
Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan
Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan
Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang
Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan
Kaya salamat nalang sa pabaong alaala
May napulot akong aral sa ating pagsasama
Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon
Ay naitawid naman natin sa butas ng karayum
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan
Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang "PAALAM"
Writer(s): Ron Joseph Henley
- AZLyrics
- R
- Ron Henley Lyrics
You May Also Like
Nik Makino - "Mabagal Lang" Ah...
Ah...
Ah...
Mabagal lang, mabagal lang
(Baka kasi mapagod ka 'pag iyong binilisan)
Mabagal lang, mabagal lang
(Paningasin muna bago mo paapuyan)
Mabagal lang, mabagal lang
(Umupo ka sandali,...
Flow G - "Ayos Ba?" Kamusta kana? Kamusta kana?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala wag ka mangamba
Havang oras ay tumatakbo
Kailangan malaman mo
Kung ano yung mga gusto mo lang
Sa...
Geo Ong - "Walang Bago" Minsan ba, 'di mo na alam ang gagawin mo
Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko
Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo
Pero bakit madalas ka paring salatin oh
Kahit alam mo naman na ikaw ay...
Pricetagg - "Barumbado" Naisip mo na rin ba na magiging akin ka?
Di ako maka diyos ngunit ako a-amen na
Ugali ko'y barumbado ngunit ako'y magbabago
Huwag ka lamang maglalaho 'yokong mag-isa
Di na! Hindi na!
Wag kang...