"KBTHN" lyrics

"KBTHN"
(feat. Abra)

Hala sige nguya wag mong idura
Kapit ka lang maigi medyo mauga
Dito mo masusubukan kung hanggang san ang kapal ng mukha
Iiwan ka nalang tulala
Ang buhay nga ba'y parang umiikot na roleta
Sumusuntok sa buwan bakasakaling kumonekta
Dila ma'y sintalas ng pilak na bayoneta
Sa sobrang positibo nasorpresa mga nega
Ang oras ay maaari rin nating pabagalin
Realidad pwede mo rin munang panandaliang lisanin
Masyado ng sabaw bakit di mo kutsarain
Bawat taludtod sisid-marino sa lalim
Sarili'y kausapin piliting unawain
Pumikit paganahin ang utak palawakin
Panatilihin lamang ang pagiging madasalin
Hainan man tayo ng kaning tutong o bagong saing Nguya!

Nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Nakakaligaw lang minsan

Hala Sige nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Kailangang humalukay minsan

Tikman ang kabutihan tignan ang katuwiran
Sa kaputikan ng kinagisnan na kabukiran
Liwanag ng buwan matingkad at ang puti lang
Emansipasyon hanggang sa magpa-morningan
Trip lang na masusian misteryong Eleusinian
Mamatay saglit tas pagbalik wah may bagong silang
Dal'wa dal'wa dal'wa tas tatlo ganun ang bilang
Lams yan ng santo paps at ng kanyang kuys na imam

Kanya-kanyang pagsalin lang mula sa Torah
Mula kay Musa mula kay Utnapishtim Ziusudra
Atrahasis alyas Noah mula sa Ur sa Babylonia
Hanggang Macedonia 'gang sa Roma
Hanggang yung soma naging ambrosia na siyang
Ayahuasca sa Amasona anong alam niyo ha?
Marijuana? Alak at coca?
Subukan mo Amanita muscaria nang kumota
Tikman

Hala sige nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Nakakaligaw lang minsan

Hala Sige nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Kailangang humalukay minsan

Hala sige nguya wag mong idura
Sa sobrang lakas medyo nakakaluha
Dito ka matuturuan kung pano maging mapagkumbaba
Tingnan ko kung di ka mabulaga
Hanapan ng nakatagong yaman
Sa katunayan
Dami pang dapat patunayan
Dahilan para mas lalo ko pang husayan
Trip lang dito sa may tambayan
Gawin natin tong makasaysayan
Malapit ng maging super saiyan
Sa dami ng nanguyang pancyan
Pati cubensis
Paemplis man umednis
Paligid ay naging parang eksena sa tetris
Mga lakad na di na kelangan pang umekis
Oras na para galawin yung baso telekinesis
Nais ko rin sanang tindihan
Ngunit minabuti ko na munang simplehan
Upang mas maintindihan
Mahalagang may maayos na kaisipan
At higit sa lahat ligtas ang kapaligiran

Hala sige nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Nakakaligaw lang minsan

Hala Sige nguya nguya nguya nguya
Tikman ang kabutihan tikman
Tingnan ng malapitan tingnan
Kailangang humalukay minsan

Hala sige nguya

Hindi mo kailangan na magpaka-Super Mario
Lalo na kung hindi ka nagpagutom-ermitanyo
Lalo na kung ayaw mong magpausok ng sambong
Magpausok ng kangkong sa keramikong bong
Pitong magkakapatid na babae posse ko tsong
Utility belt ni Orion sa nakapuruntong
Nananatiling puro tanong kahit iluminado
Ayos lang basta may papel may pen at may gelato
Tikman!


You May Also Like
Geo Ong - "Kasalukuyan" Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan Alam kong alam nyo na mali po yan Mag-aaral na madalas pa sa...
O SIDE MAFIA - "Drugs In Tha Club" In the back smoking drugs Drugs in da club, drugs in da club Drugs in da club, and you know we smokin' loud (Kush) Drugs in da club, drugs in the club (Kush) Drugs in da club, me and X smokin' drugs...
Apekz - "Tangina" Mapagbirong tadhana sinong nag-akala? Nais lang kung minsan mahagip ng camera Gumagawa ng tono sa aking isipan Na para bang la la la di da di da Gusto kong iparinig to sa iba Kaso baka lamang na...
Al James - "Pa-Umaga" Yeah Yah, Yah Yeah Yah, Yah Yeah Yah Mag u-umaga nanaman At ikaw ang katabi Bakit ba andito pa Di ka pa umuuwi Sabi pagod lang talaga Gusto magpahinga Umaga nanaman kami natapos kagabi Mag u-umaga...
Lo ki - "Praise The Lord" When I feel so numb and so down You lift me up until right now I praise the Lord and take a bow You save my soul from the ground When I feel so numb and so down You lift me up until right now I...